Mabilisang rant (10 minutes)

Matagal-tagal na rin akong di nakakapagrant dito sa tumblr. Pero ngayon, naisip kong gumawa kasi gumawa si Camille. HAHAHA

Dapat kasi dati ko po to gagawin, pero ewan ko ba, tinatamad ako.

Nagsimula ang lahat sa mga ginagawa naming experiment sa Physics subject na tila napakadali. Hehe sarcastic.

Tapos na kami ng partner ko sa paggawa ng experiment, kaya umakyat na kami.

———————————————————————
May napansin lang ako. Tila tumahimik ako. Tumigil ang mundo ko. Tumigil ang paggalaw ng mga tao. Parang nakikita ng mata ko ang isang napakalaking daan. Lahat ng mga pangyayari habang dumaraan ako.

Naisip ko lang. Iba’t iba talaga ang mga tao ano? Iba’t iba din ang mga feelings nito.

Pero sa lahat ng ngiti, tawa, lungkot at pagkaseryoso ng mga taong nakikita ko, iba’t ibang tao rin sila, na may kani-kaniyang istorya.

Naisip ko ang mga pahayag na, “para kanino ba ako tumatawa?” “Bakit ba ako malungkot?” “bakit ako magisa?” “ano na namang gagawin ko?” “sino ba to?” “Nakakainis naman!!” “Ay grabe ang hirap ng exams!” “Pre, chix oh!!” “Bakit ako kumakain?” At sari-sari pa.

Mabagal ang oras nun. Pero tila mabilis lang dahil paakyat na kami sa hagdan. At habang ako naman papaakyat sa hagdan:

"Ako naman. Anong ginagawa ko rito? Anong pumasok sa isipan ko’t nag-isip ako nito, di bale irarant ko na lang to"

Natanong ko tuloy sarili ko. Sa mga bagay na nakikita ko sa mundo, Anong bang silbi nito? Ano bang pakialam ko dito?

Maraming mga tanong.

Mga bagabag.

Sino makakasagot?

Ewan.

Di bale na lang.

Maghintay.

Maghintay.

———————————————————————